Levitico 26:43
Pinabayaan nila ang lupain, nang sa ikalugod nito ang mga Araw ng Pamamahinga hangga't nananatili itong pinabayaan nila. Kinailangan nilang pagbayaran ang kaparusahan para sa kanilang mga kasalanan sapagkat sila mismo ang tumanggi sa aking mga iniatas at namuhi sa aking mga batas.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Leviticus 26:30Gigibain ko ang inyong mga altar, puputulin ko ang inyong mga altar ng insenso, at itatapon ang inyong mga bangkay sa ibabaw ng bangkay ng inyong mga diyos-diyosan, at ako mismo, kasusuklaman kayo.
Leviticus 26:41na nagdulot sa akin upang talikuran sila at ibigay sila sa lupain ng kanilang mga kaaway—kung magpapakumbaba ang kanilang hindi pa tuli na mga puso, at kung tatanggapin nila ang kaparusahan ng kanilang mga kasalanan,
2 Kings 17:7Ang pagkakabihag na ito ay naganap dahil ang mga Israelita ay nagkasala laban kay Yahweh ang kanilang Diyos, na naglabas sa kanila mula sa lupain ng Egipto, mula sa kapangyarihan ng Faraon hari ng Egipto. Ang mga tao ay sumasamba sa ibang mga diyos at
2 Chronicles 36:14Dagdag pa rito, ang lahat ng mga pinuno ng mga pari at ng mga tao ay nagkasala ng labis, sinusunod ang mga kasuklam-suklam na mga bagay na ginagawa ng ibang lahi. Nilapastangan nila ang tahanan ni Yahweh na inilaan niya para sa kaniyang sarili sa Jerusalem.
Job 5:17Tingnan mo, masaya ang taong tinutuwid ng Diyos; kaya huwag mong kamuhian ang pagtutuwid ng Makapangyarihan.
Psalms 50:15Tumawag kayo sa akin sa araw ng kaguluhan; sasagipin ko kayo, at ako ay inyong luluwalhatiin.”