Leviticus 26:44
Pero sa kabila ng lahat ng ito, kapag nasa lupain sila ng kanilang mga kaaway, hindi ko sila kamumuhian na tuluyan silang lipulin at hindi puputulin ang aking tipan sa kanila, sapagkat ako si Yahweh na kanilang Diyos.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 4:29Pero mula doon hahanapin ninyo si Yahweh na inyong Diyos, at matatagpuan ninyo siya, kapag hinanap ninyo siya ng inyong buong puso at ng inyong buong kaluluwa.
Nehemiah 9:17Tumanggi silang makinig, at hindi nila inisip ang tungkol sa mga kababalaghan na iyong ginawa sa kanilang kalagitnaan, pero naging mapagmatigas sila, at sa kanilang paghihimagsik sila ay nagtalaga ng pinuno na magbabalik sa kanila sa pagkakaalipin. Pero ikaw ang Diyos na puno ng kapatawaran, mapagbigay-loob at mahabagin, hindi madaling magalit, at sagana sa pag-ibig na hindi nagbabago. Hindi mo sila iniwan.
Psalms 89:33Pero hindi ko aalisin ang aking katapatan sa tipan mula sa kaniya o hindi magiging totoo sa aking pangako.
Psalms 103:13Kung paanong may pagkahabag ang isang ama sa kanyang mga anak, gayundin pagkahabag ni Yahweh sa mga nagbibigay ng parangal sa kanya.
Jeremiah 24:5“Sinasabi ito ni Yahweh, ang Diyos ng Israel: Titingnan ko ang pagkakabihag ng Juda para sa kanilang kapakinabangan, tulad ng mabubuting igos na ito, ang mga bihag na aking ipinadala mula sa lugar sa lupain ng Caldeo.
Jeremiah 31:20Hindi ba si Efraim ang mahal kong anak? Hindi ba siya ang minamahal at kinalulugdan kong anak? Sapagkat sa tuwing magsasalita ako laban sa kaniya, tinitiyak kong inaalala ko pa rin siya sa aking mapagmahal na isipan. Sa ganitong paraan nananabik ang puso ko sa kaniya. Tinitiyak kong kahahabagan ko siya. Ito ang pahayag ni Yahweh.”