Leviticus 26:45
Pero para sa kanilang kapakanan isasaisip ko ang tipan sa kanilang mga ninuno, na siyang aking dinala palabas mula sa lupain ng Ehipto na nasaksihan ng mga bansa, upang ako ay maging Diyos nila. Ako si Yahweh.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 15:18Sa araw na iyon gumawa si Yahweh ng tipan kay Abram, na nagsasabing, “Ibinibigay ko sa iyong kaapu-apuhan ang lupaing ito, mula sa ilog ng Ehipto patungo sa dakilang ilog ng Eufrates, ang Eufrates—
Genesis 26:24Nagpakita si Yahweh sa kanya sa gabi ring iyon at sinabing, “Ako ang Diyos ng iyong amang si Abraham. Huwag kang matakot, sapagkat ako ay kasama mo at pagpapalain kita at pararamihin ang iyong mga kaapu-apuhan, alang-alang sa aking lingkod na si Abraham.”
Exodus 2:24Nang marinig ng Diyos ang kanilang mga daing, inalala ng Diyos ang kaniyang tipan kay Abraham, kay Isaac, at kay Jacob.
Exodus 19:5Ngayon pagkatapos, kung susundin at pakikinggan ninyo ang aking tinig at iingatan ang aking kasunduan, kung gayon, magiging katangi-tanging pag-aari kita mula sa lahat ng mga tao, dahil ang buong daigdig ay akin.
Leviticus 11:45Dahil ako si Yahweh, na naglabas sa inyo mula sa lupain ng Ehipto, para maging inyong Diyos. Samakatuwid dapat kayong maging banal, dahil ako ay banal.
Leviticus 25:38Ako ay Yahweh na inyong Diyos na naglabas sa inyo mula sa lupain ng Ehipto, upang ibigay ko sa inyo ang lupain ng Canaan, at upang ako ay maging Diyos ninyo.