Leviticus 27:28
Gayunman, walang taong maglalaan kay Yahweh mula sa anumang bagay na mayroon siya, maging tao o hayop, o lupa ng kanyang pamilya, na maaaring ipagbili o tinubos. Bawat inilaan na bagay ay banal kay Yahweh.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 22:20Sinumang magsasakripisyo sa anumang diyos maliban kay Yahweh ay dapat ganap na wasakin.
Leviticus 27:21Sa halip, ang bukid, kapag ibinalik ito sa Paglaya, magiging isang banal na regalo kay Yahweh, katulad ng bukid na ganap na ibinigay kay Yahweh. Mabibilang ito sa pari.
Numbers 21:2Nangako ang Israel kay Yahweh at sinabi, “Kung bibigyan mo kami ng tagumpay sa mga taong ito, lubos na wawasakin namin ang kanilang mga lungsod.”
Deuteronomy 13:15pagkatapos siguraduhing lumusob sa mga naninirahan sa lungsod sa pamamagitan ng talim ng tabak, ganap itong wasakin at ang lahat ng mga tao na narito, kasama ng alagang hayop, sa pamamagitan ng talim ng tabak.
Deuteronomy 25:19Kaya, kapag binigyan kayo ni Yahweh na inyong Diyos ng pahinga mula sa lahat ng inyong mga kaaway na nakapalibot, sa lupain na ibibigay ni Yahweh na inyong Diyo para angkinin bilang isang pamana, hindi dapat ninyo kalimutan na dapat ninyong pawiin ang alaala ng taga-Amalek mula sa silong ng langit.
Joshua 6:26Pagkatapos sa pagkakataong iyon inutusan sila ni Josue kasama ng isang panunumpa at sinabi niya, “Sumpain ang tao sa paningin ni Yahweh na magtatayong muli ng lungsod na ito, ang Jerico. Sa ikapapahamak ng kaniyang panganay na anak na lalaki, ilalatag niya ang pundasyon at sa ikapapahamak ng kaniyang bunsong anak na lalaki, itatayo niya ang mga tarangkahan nito.”