Leviticus 27:21
Sa halip, ang bukid, kapag ibinalik ito sa Paglaya, magiging isang banal na regalo kay Yahweh, katulad ng bukid na ganap na ibinigay kay Yahweh. Mabibilang ito sa pari.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Leviticus 25:28Subalit kung hindi niya kayang bawiin ang lupa para sa kanyang sarili, sa gayon mananatili ang lupang ipinagbili niya sa pagmamay-ari ng bumili nito hanggang sa Taon ng Paglaya. Sa Taon ng Paglaya, ibabalik ang lupa sa taong nagbenta nito, at babalik ang tunay na may-ari sa kanyang ari-arian.
Leviticus 27:28Gayunman, walang taong maglalaan kay Yahweh mula sa anumang bagay na mayroon siya, maging tao o hayop, o lupa ng kanyang pamilya, na maaaring ipagbili o tinubos. Bawat inilaan na bagay ay banal kay Yahweh.
Deuteronomy 13:17Wala ni isa sa mga bagay na iyon na inihiwalay para wasakin ang dapat manatili sa inyong kamay. Ito ang dapat na kalagayan, nang sa gayon tatalikod si Yahweh mula sa kabagsikan ng kaniyang galit, pakitaan kayo ng awa, may kahabagan sa inyo, at paparamihin ang inyong mga bilang, na ayon sa kaniyang isinumpa sa inyong mga ama.
Ezra 10:8Sinuman ang hindi pumunta sa loob ng tatlong araw ayon sa tagubilin ng mga opisyal at mga nakatatandang lalaki ay kukunin ang lahat ng kanilang mga ari-arian at hindi ibibilang sa napakalaking kapulungan ng mga taong bumalik mula sa pagkakatapon.