Leviticus 3:5
Susunugin iyon ng mga anak ni Aaron na lalaki sa ibabaw ng altar kasama ang handog na susunugin, na naroon sa kahoy na nasa apoy. Magbibigay ito ng mabangong samyo para kay Yahweh; magiging handog ito na gawa para sa kanya sa pamamagitan ng apoy.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 29:13Dapat mong kunin ang lahat ng taba na nakatakip sa mga lamang-loob, at saka kumuha ng panakip sa atay at sa dalawang lapay na may kasamang taba na nasa kanila; sunugin ang lahat ng ito sa altar.
Leviticus 1:9Pero dapat niyang hugasan ng tubig ang mga lamang-loob at ang mga binti nito. Pagkatapos susunugin ng pari ang lahat ng bagay sa altar bilang isang handog na susunugin. Magbibigay ito sa akin ng mabangong halimuyak; magiging isang handog ito na ginawa sa akin sa pamamagitan ng apoy.
Leviticus 1:17Dapat niyang biyakin ito hawak ang mga pakpak, pero hindi niya ito dapat hatiin sa dalawang bahagi. Pagkatapos susunugin ito ng pari sa altar, sa kahoy na nasa apoy. Magiging isang handog na susunugin ito, at magbibigay ito ng mabangong halimuyak para kay Yahweh; magiging isang handog ito na ginawa sa kanya sa pamamagitan ng apoy.
Leviticus 4:35Aalisin niya ang lahat ng taba, gaya ng ang taba ng kordero ay inalis mula sa alay ng mga handog para sa kapayapaan, at susunugin ito ng pari sa altar sa ibabaw ng mga handog ni Yahweh na gawa sa apoy. Gagawa ang pari ng pambayad ng kasalanan para sa kaniya para sa kasalanang ginawa niya, at papatawarin ang tao.
Leviticus 7:29“Kausapin mo ang bayan ng Israel at sabihin, 'Sino man ang maghandog ng alay ng isang handog para sa kapayapaan para kay Yahweh ay dapat magdala ng bahagi ng kaniyang alay para kay Yahweh.
Numbers 18:17Subalit ang panganay ng isang baka, o ang panganay ng isang tupa, o ang panganay ng isang kambing ay hindi mo dapat bilhin muli ang mga hayop na ito; sila ay inilaan sa akin. Dapat mong isaboy ang dugo nito sa altar at sunugin ang kanilang taba bilang isang alay na pinaraan sa apoy, upang magdulot ng mabangong halimuyak para sa akin.