Leviticus 4:35
Aalisin niya ang lahat ng taba, gaya ng ang taba ng kordero ay inalis mula sa alay ng mga handog para sa kapayapaan, at susunugin ito ng pari sa altar sa ibabaw ng mga handog ni Yahweh na gawa sa apoy. Gagawa ang pari ng pambayad ng kasalanan para sa kaniya para sa kasalanang ginawa niya, at papatawarin ang tao.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Leviticus 4:20Ganyan ang dapat niyang gawin sa toro. Gaya ng kaniyang ginawa sa torong handog para sa kasalanan, gayon din ang kaniyang gagawin sa torong ito, at gagawa ang pari ng pambayad ng kasalanan para sa mga tao, at papatawarin sila.
Leviticus 4:30Kukuha ang pari ng kaunting dugo gamit ang kaniyang daliri at ilalagay ito sa mga sungay ng altar para sa mga handog na susunugin. Ibubuhos niya ang lahat ng natirang dugo sa paanan ng altar.
Leviticus 5:10Pagkatapos dapat niyang ihandog ang pangalawang ibon bilang isang handog na susunugin, gaya ng inilarawan sa mga tagubilin, at gagawa ang pari ng kabayaran ng kasalanan para sa kaniya para sa nagawa niyang kasalanan, at patatawarin ang tao.
Leviticus 6:7Para sa kaniya ay gagawa ang pari ng isang pambayad para sa kasalanan sa harap ni Yahweh, at patatawarin siya ukol sa anumang kasalanang ginawa niya.”
Leviticus 12:8Kung siya ay walang kakayahang bumili ng isang tupa, kung gayon dapat siyang kumuha ng dalawang kalapati o dalawang batang batu-bato, isa bilang isang handog na susunugin at ang iba bilang isang handog para sa kasalanan, at ang pari gagawa ng pambayad ng kasalanan para sa kaniya; pagkatapos magiging malinis siya.'”
Leviticus 14:53Pero hahayaan niya ang buhay na ibon na lumabas ng lungsod papunta sa mga lantad na bukirin. Sa ganitong paraan kailangan niyang gumawa ng pambayad kasalanan para sa bahay, at ito ay magiging malinis.