Luke 1:8
Ngayon ay nangyari na si Zacarias ay nasa presensiya ng Diyos, gumagawa ng mga tungkulin bilang pari sa kapanahunan ng kaniyang pangkat.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 28:41Dapat mong damitan si Aaron na iyong kapatid, at ang kaniyang mga anak na lalaki na kasama niya. Dapat mo silang buhusan ng langis, italaga sila, at ihandog sila sa akin, para maglingkod sila sa akin bilang mga pari.
Exodus 29:9Dapat mong damitan si Aaron at ang kaniyang mga anak na lalaki na may kasamang mga sintas at ilagay ang kanilang pamigkis sa ulo. Ang gawain ng pagkapari ay mabibilang na sa kanila sa pamamagitan ng palagiang batas. Sa ganitong paraan dapat mong gawing banal si Aaron at ang kaniyang mga anak na lalaki para sa kanilang paglilingkod sa akin.
Exodus 30:30Dapat mong basbasan si Aaron at ang kaniyang mga anak na lalaki at ilaan mo sila sa akin para sila ay maglingkod sa akin bilang mga pari.
1 Chronicles 24:2Sina Nadab at Abihu ay namatay bago namatay ang kanilang ama. Wala silang anak, kaya sina Eleazar at Itamar ay naglingkod bilang mga pari.
2 Chronicles 8:14Bilang pagsunod sa mga utos ng kaniyang amang si David, itinalaga ni Solomon ang mga pangkat ng pari sa kanilang gawain at ang mga Levita sa kanilang mga posisyon upang purihin ang Diyos at upang maglingkod sa mga pari ayon sa kailangan sa bawat araw. Itinalaga din niya sa bawat tarangkahan ang mga tagapagbantay ng mga tarangkahan ayon sa kanilang pangkat, sapagkat iniutos din ito ni David na lingkod ng Diyos.
2 Chronicles 31:2Itinalaga ni Ezequias ang mga pari sa kanila mga pangkat at ang mga Levita at isinaayos ayon sa kanilang mga pangkat, itinalaga ang bawat isa sa kani-kaniyang gawain, ang mga pari at mga Levita. Itinalaga niya sila upang ihanda ang mga handog na susunugin at mga handog para sa pangkapayapaan, upang maglingkod, upang magbigay pasasalamat, at upang magpuri sa mga tarangkahan ng templo ni Yahweh.