Lucas 14:26
“Kung sinuman ang lumapit sa akin at hindi namumuhi sa kaniyang sariling ama, ina, asawa, anak, mga kapatid—oo, at pati ang kaniyang sariling buhay—hindi siya maaaring maging alagad ko.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
25Ngayon maraming tao ang sumasama sa kaniya, at bumaling siya at sinabi sa kanila,
Cross References
Genesis 29:30Kaya pinakasalan ni Jacob si Raquel, dahil minahal niya si Raquel nang mas higit pa kay Lea. Kaya nanilbihan si Jacob kay Laban ng karagdagang pitong taon.
Deuteronomy 13:6Ipagpalagay na ang inyong kapatid na lalaki, na anak na lalaki ng inyong ina, o ang inyong anak na lalaki o inyong anak na babae, o ang asawa ng inyong sinapupunan, o ang inyong kaibigan na sa inyo ay parang sarili ninyong kaluluwa, na palihim na umaakit sa inyo at sinasabing, 'Tayo'y pumunta at sumamba sa ibang mga diyus-diyosan na hindi ninyo kilala, maging kayo o ng inyong mga ninuno—
Deuteronomy 33:9Ang taong nagsasabi tungkol sa kaniyang ama at ina,” Hindi ko sila nakita.” Ni hindi niya kinilala ang kaniyang mga kapatid, ni hindi niya inangkin ang kaniyang sariling mga anak. Dahil binabantayan niya ang inyong salita at sinunod ang iyong tipan.
Psalms 73:25Sino ang hahanapin ko sa langit bukod sa iyo? Walang sinuman na nasa daigdig ang aking ninanais kundi ikaw.
Ecclesiastes 2:17Kaya kinamuhian ko ang buhay dahil lahat ng ginawa sa ilalaim ng araw ay masama para sa akin. Ito ay dahil ang lahat ay parang singaw at isang pagtangkang habulin ang hangin.
Matthew 10:37Ang nagmamahal sa kaniyang ama at ina nang higit sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin. Ang nagmamahal sa kaniyang anak na lalaki at babae nang higit sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin.