Luke 16:9
Sinasabi ko sa inyo, makipagkaibigan kayo sa pamamagitan ng perang hindi makatarungan, para kapag ito ay naubos na, maaari ka nilang tanggapin sa walang hanggang tirahan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Proverbs 14:24Ang korona ng mga taong marunong ay ang kanilang kayamanan, ngunit ang kamangmangan ng mga hangal ay nagdadala ng lalong maraming kahangalan.
Proverbs 23:5Kapag ang iyong mga mata ay nagliliwanag sa pera, nawala na ito, at bigla itong nagkakaroon ng mga pakpak at lumilipad sa himpapawid tulad ng isang agila.
Ecclesiastes 12:3Iyon ang panahon na manginginig ang mga tagapagbantay ng palasyo, at yuyuko ang mga malalakas na tao, at ang mga babaeng nagdidikdik ay titigil dahil kaunti sila, at ang mga tumatanaw sa mga bintana ay hindi na makakakita nang malinaw.
Isaiah 58:7Hindi ba ito para ipamahagi ang inyong tinapay sa nagugutom at dalhin ang dukha at walang tahanan sa inyong bahay?” Kapag nakakita kayo ng isang taong nakahubad, dapat ninyo siyang bihisan; at hindi ninyo dapat itago ang inyong sarili mula sa sarili ninyong mga kamag-anak.
Matthew 6:19Huwag kayong mag-ipon ng mga kayamanan para sa inyong sarili dito sa lupa, kung saan sisirain ng tanga at kalawang, at kung saan papasukin at nanakawin ng mga magnanakaw.
Matthew 19:21Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Kung nais mong maging ganap, humayo ka at ipagbili mo ang iyong ari-arian at ibigay sa mahihirap, at magkakaroon ka ng yaman sa langit. At halika, sumunod ka sa akin.”