Lucas 20:14
Ngunit nang makita siya ng mga magtatanim ng ubas, nag-usap-usap sila, sinasabing, 'Ito ang tagapagmana. Patayin natin siya upang mapunta sa atin ang kaniyang mana.'
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
15Pinalayas nila siya sa ubasan, at pinatay. Ano nga kaya ang gagawin ng may-ari ng ubasan sa kanila?
Cross References
Genesis 37:18Nakita nila si Jose mula sa di kalayuan, at bago siya makalapit sa kanila, nakapagplano na sila laban sa kanya para patayin siya.
Psalms 2:8Hilingin mo sa akin, at ibibigay ko sa iyo ang mga bansa para sa iyong mana at ang pinakamalalayong mga bahagi ng lupain para sa iyong pag-aari.
Matthew 2:2“Nasaan siyang ipinanganak na Hari ng mga Judio? Nakita namin ang bituin niya sa silangan kaya pumarito kami upang sumamba sa kaniya.”
Matthew 21:25Ang bautismo ni Juan—saan ba ito galing, galing ba sa langit o sa mga tao?” Pinag-usapan nila ito sa kanilang mga sarili, na nagsasabi, “Kung sasabihin natin na, 'Nagmula sa langit,' sasabihin niya sa atin, 'Bakit hindi kayo naniwala sa kaniya?'
Luke 19:47Kaya araw-araw nagtuturo si Jesus sa templo. Ang mga punong pari at ang mga eskriba at ang mga pinuno ng mga tao ay nais siyang patayin,
Luke 20:19Kaya pinagsikapan na hulihin ng mga eskriba at mga punong pari si Jesus sa oras ding iyon, dahil alam nila na sinabi niya ang talinghagang ito laban sa kanila. Ngunit natakot sila sa mga tao.