Luke 21:6
“Patungkol sa mga bagay na ito na inyong nakikita, darating ang mga araw na wala ni isang bato ang maiiwan sa ibabaw ng isa pang bato na hindi babagsak.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
2 Chronicles 7:20sa panahong iyon ay bubunutin ko sila mula sa aking lupain na ibinigay ko sa kanila; at ang tahanang ito na itinalaga ko sa aking pangalan—palalayasin ko ito mula sa aking harapan, at gagawin ko itong kawikaan at isang katatawanan sa gitna ng lahat ng lahi ng tao.
Jeremiah 7:11Ang tahanan bang ito na nagtataglay ng aking pangalan ay isang kuta ng mga magnanakaw sa inyong paningin? Ngunit masdan ninyo, nakita ko ito. Ito ang pahayag ni Yahweh.'
Jeremiah 26:9Bakit ka nagpahayag sa pangalan ni Yahweh at sinabi na magiging gaya ng Shilo ang tahanang ito at mapapabayaan ang lungsod na ito na walang maninirahan?” Sapagkat ang lahat ng tao ay nakabuo ng isang nagkakagulong mga tao laban kay Jeremias sa tahanan ni Yahweh.
Lamentations 2:6Sinalakay niya ang tabernakulo tulad ng isang kubo sa hardin. Winasak niya ang mataimtim na lugar ng kapulungan. Ipinalimot ni Yahweh ang mataimtim na pagtitipon at Araw ng Pamamahinga sa Zion, sapagkat hinamak niya ang hari at pari sa pagngingitngit ng kaniyang galit.
Lamentations 5:18dahil gumagala ang mga asong gubat sa Bundok ng Zion na iniwanan.
Daniel 9:26Pagkatapos ng pito na tig-aanimnapu't dalawang taon, ang isang hinirang ay malilipol at mawawalan. Wawasakin ng hukbo ng isang parating na pinuno ang lungsod at ang banal na lugar. Darating ang katapusan nito sa pamamagitan ng baha at magkakaroon ng digmaan hanggang sa huli. Ang pagkawasak ay itinakda na.