Luke 23:2
Nagsimula silang paratangan siya, sinasabi, “Nalaman na inaakay ng taong ito ang aming bansa sa kasamaan, ipinagbabawal niyang magbigay ng buwis kay Ceasar, at sinasabing siya mismo ang Cristo, na isang hari.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
1Ang buong kapulungan ay tumayo, at dinala si Jesus sa harapan ni Pilato.
Cross References
1 Kings 18:17Nang makita ni Ahab si Elias, sinabi niya sa kaniya, “ikaw ba ito, ikaw na gumagawa ng kaguluhan sa Israel?”
Psalms 35:11Dumarami ang masasamang saksi; pinararatangan nila ako nang hindi totoo.
Psalms 64:3Hinasa nila ang kanilang mga dila gaya ng mga espada; itinutok nila ang kanilang mga palaso, mapapait na mga salita,
Jeremiah 37:13Habang nasa Tarangkahan siya ng Benjamin, nandoon ang isang pinunong bantay. Ang kaniyang pangalan ay Irijas na anak ni Selemias na anak ni Hananias. Hinawakan niya ng mahigpit si Jeremias na propeta at sinabi, “Tumatakas ka upang kumampi sa mga Caldeo.”
Amos 7:10Pagkatapos si Amazias na pari ng Bethel, nagpadala ng isang mensahe kay Jeroboam na hari ng Israel: “Nakipagsabwatan si Amos laban sa iyo sa pagitan ng sambahayan ni Israel. Hindi kayang pasanin ng lupain ang lahat ng kaniyang mga salita.
Matthew 17:27Ngunit upang hindi tayo maging sanhi ng pagkakasala ng mga nangongolekta ng buwis, pumunta ka sa dagat, ihagis mo ang iyong pamingwit, at kunin ang unang isda na nahuli. Kapag binuka mo ang bibig nito, makikita mo ang isang siklo. Kunin mo ito at ibigay sa mga nangongolekta ng buwis para sa akin at para sa iyo.”