Luke 6:2
Ngunit sinabi ng ibang mga Pariseo, “Bakit kayo gumagawa ng isang bagay na labag sa kautusan na gawin sa Araw ng Pamamahinga?”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 22:10Kung magbibigay ng isang asno, isang baka, isang tupa o anumang hayop ang isang lalaki sa kaniyang kapitbahay para pangalagaan, at kung ito ay namatay o nasaktan o natangay ito nang walang sinumang nakakita,
Exodus 35:2Sa ikaanim na araw ang lahat ng gawain ay maaaring nagawa na, ngunit sa inyo, ang ikapitong araw ay dapat na banal na araw, ang Araw ng Pamamahinga ng ganap na pamamahinga, na banal kay Yahweh. Ang sinumang gagawa ng anumang gawain sa araw na iyon ay papatayin.
Isaiah 58:13Ipagpalagay ninyo na tumalikod kayo mula sa paglalakbay sa Araw ng Pamamahinga, at mula sa ginagawa ninyong sariling kasiyahan sa aking banal na araw. Ipagpalagay ninyo na ang Pamamahinga ay tinatawag ninyong isang kasiyahan, at tinatawag ninyo na banal at pinarangalan ang mga bagay ni Yahweh. Ipagpalagay ninyo na pinararangalan ninyo ang Araw ng Pamamahinga sa pamamagitan ng pag-iwan ng inyong sariling negosyo, at sa pamamagitan ng hindi paghahanap ng sarili ninyong kasiyahan at sa pamamagitan ng hindi pagsasalita ng sarili ninyong mga salita.
Matthew 15:2“Bakit nilalabag ng iyong mga alagad ang mga kaugalian ng mga nakatatanda? Sapagkat hindi nila hinuhugasan ang kanilang mga kamay kapag sila ay kakain.”
Mark 2:24At sinabi ng mga Pariseo sa kaniya, “Tingnan mo, bakit sila gumagawa ng bagay na ipinagbabawal sa Araw ng Pamamahinga?”
Luke 6:7Ang mga eskriba at mga Pariseo ay nagmamanman sa kaniya upang makita kung si Jesus ay magpapagaling sa Araw ng Pamamahinga, upang sila ay makahanap ng dahilan upang siya ay paratangan na gumagawa ng masama.