Luke 6:23
Magalak sa araw na iyon at tumalon sa galak sapagkat tiyak na kayo ay may dakilang gantimpala sa langit, sapagkat ang kanilang mga ninuno ay pinakitunguhan ang mga propeta sa ganoon ding paraan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
24Ngunit aba kayo na mayayaman! Sapagkat natanggap na ninyo ang inyong ginhawa.
Cross References
1 Kings 18:4dahil nang ipinapapatay ni Jezebel ang mga propeta ni Yahweh, sinama ni Obadias ang isandaang propeta at itinago niya sila ng tig limampo sa isang kuweba, at pinakain niya sila ng tinapay at tubig.
1 Kings 19:10Sumagot si Elias, “Naging napakamasigasig ako para sa iyo Yahweh, Diyos ng mga hukbo, para sa bayan ng Israel na tinalikuran ang iyong tipan, sinira ang iyong mga altar, at pinatay ang iyong mga propeta sa pamamagitan ng espada. Ngayon ako, ako nalang, ang natira at gusto nila akong patayin.”
1 Kings 21:20Sinabi ni Ahab kay Elias, “Natagpuan mo ba ako, aking kaaway?” Sumagot si Elias, “Natagpuan kita, dahil ipinagbili mo ang iyong sarili para gumawa ng kung ano ang masama sa paningin ni Yahweh.
1 Kings 22:27'Sinabi ng hari, ilagay ang lalaking ito sa bilangguan at pakainin ng kaunting tinapay at kaunting tubig, hanggang sa makarating akong ligtas.'”
2 Chronicles 36:16Ngunit kinutya nila ang mga mensahero ng Diyos, kinamuhian ang kaniyang mga salita, at hinamak ang kaniyang mga propeta, hanggang sa ang galit ni Yahweh ay nagsimula laban sa kaniyang mga tao hanggang sa ito ay hindi na maiiwasan.
Isaiah 35:6Pagkatapos ang taong pilay ay lulukso tulad ng isang usa, at ang piping dila ay aawit, dahil magkakatubig sa bukal mula sa Araba, at magkakabatis sa ilang.