Luke 8:42
dahil sa siya ay may kaisa-isang anak na babae, na nasa labindalawang taon ang edad, at siya ay nag-aagaw-buhay. Ngunit nang papunta siya kay Jesus, maraming tao ang nagsisiksikan sa kaniya.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 44:20At sinabi namin sa aming amo, 'Mayroon kaming matandang ama, at anak niya sa kanyang katandaan, isang bunso. At patay na ang kanyang kuya, at siya ay nag-iisa na lamang na naiwan mula sa kanyang ina, at mahal na mahal siya ng kanyang ama.'
Job 4:20Sa pagitan ng umaga at gabi sila ay winasak; naglaho na sila magpakailanman nang walang nakakapansin sa kanila.
Psalms 103:15Pero ang tao, parang damo ang kanyang mga araw; lumalago siya tulad ng isang bulaklak sa isang bukid.
Ezekiel 24:16“Anak ng tao, masdan! Aalisin ko ang nais ng iyong mga mata sa pamamagitan ng isang salot, ngunit hindi ka dapat tumangis ni umiyak at hindi dapat umagos ang iyong mga luha.
Zechariah 12:10Ngunit ibubuhos ko ang espiritu ng pagkahabag at pagsusumamo sa sambahayan ni David at sa mga naninirahan sa Jerusalem, kaya titingin sila sa akin, na kanilang sinaksak. Tatangis sila para sa akin, gaya ng isang tumatangis para sa nag-iisang anak na lalaki; Mananaghoy sila nang may kapaitan para sa kaniya tulad ng mga nananaghoy sa pagkamatay ng panganay na anak na lalaki.
Luke 7:12Nang palapit na siya sa tarangkahan papasok ng lungsod, masdan ito, isang taong patay ang dinadala palabas, ang kaisa-isang anak ng kaniyang ina. Siya ay isang balo, at kasama niya ang isang malaking grupo ng mga tao na galing sa lungsod.