Luke 8:44
Siya ay pumunta sa likuran ni Jesus at hinipo ang laylayan ng kaniyang damit, at agad na huminto ang kaniyang pagdurugo.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
Came behind him, and touched the border of his garment: and immediately her issue of blood stanched.
In Context
Cross References
Exodus 15:26Sinabi niya, “Kung papakinggan ninyong mabuti ang tinig ni Yahweh na inyong Diyos, at gagawin kung ano ang tama sa aking mga mata, at kung makikinig kayo sa mga kautusan ko at susundin ang lahat ng mga batas ko—hindi ako maglalagay sa inyo ng anumang mga sakit na inilagay ko sa mga taga-Ehipto, dahil ako ay si Yahweh na nagpapagaling sa inyo.”
Malachi 4:2Ngunit sa inyong may takot sa aking pangalan, sisikat ang araw nang katuwiran na may kagalingan sa mga pakpak nito. Lalabas kayo na lumulukso katulad ng guya mula sa kulungan.
Matthew 20:34At si Jesus, na nakadama ng pagkahabag, hinipo ang kanilang mga mata. Agad agad ay natanggap nila ang kanilang paningin at sumunod sa kaniya.
Mark 6:56Sa tuwing pumapasok siya sa mga nayon, o sa mga lungsod, o sa mga bayan, inilalagay nila ang mga may sakit sa mga pamilihan at nagmamakaawa sila sa kaniya na payagan man lamang silang hawakan ang laylayan ng kaniyang damit. At lahat ng humawak sa kaniya ay gumaling.
Luke 13:13Ipinatong niya ang kaniyang mga kamay sa babae, at kaagad siyang naunat at niluwalhati niya ang Diyos.
Acts 5:15kaya dinadala nila maging ang mga may sakit sa daanan at ipinapahiga sa mga higaan at sa hiligan, upang sa pagdating ni Pedro baka sakaling tumama sa ilan sa kanila ang kaniyang anino.