The Bible Software
bible.softwareMalachiMalachi 1 › Malachi 1:9

Malachi 1:9

At ngayon, sinusubukan ninyong humingi ng tulong sa Diyos upang maaari siyang mahabag sa atin. “Sa mga ganitong handog ninyo, tatanggapin pa ba niya kayo?” sabi ni Yahweh ng mga hukbo.

Ang Biblia (Tagalog)

In The King James Version

And now, I pray you, beseech God that he will be gracious unto us: this hath been by your means: will he regard your persons? saith the LORD of hosts.

In Context

8Kapag naghahandog kayo ng mga hayop na bulag para sa pag-aalay, hindi ba masama iyon? At kapag naghahandog kayo ng pilay at may sakit, hindi ba masama iyon? Ihandog ninyo iyan sa inyong gobernador, tatanggapin pa ba niya kayo o haharapin pa ba niya kayo?” sinabi ni Yahweh ng mga hukbo.

10“O, kung may isa man sa inyo ang maaaring magsara ng mga tarangkahan ng templo upang hindi kayo makapagsindi ng apoy sa aking altar nang walang kabuluhan! Hindi ako nalulugod sa inyo,” sabi ni Yahweh ng mga hukbo, “at hindi ko tatanggapin ang anumang handog mula sa inyong kamay.

Read all of Malachi 1

Cross References

Exodus 32:11Pero sinubukang huminahon ni Moises si Yahweh na kaniyang Diyos. Sinabi niya, “Yahweh, bakit ang inyong galit ay sumiklab laban sa iyong bayan, na nagdala palabas sa lupain ng Ehipto na may dakilang kapangyarihan at may malakas na kamay?

Jeremiah 26:19Ipinapatay ba siya ni Hezekias na hari ng Juda at ng buong Juda? Hindi ba niya kinatakutan si Yawheh at pinahinahon ang mukha ni Yahweh upang bawiin ni Yahweh ang tungkol sa kapahamakang ipinahayag niya sa kanila? Kaya, gagawa ba tayo nang mas matinding kasamaan laban sa ating mga sariling buhay?”

Lamentations 2:19Tumayo at sumigaw ka sa gabi; sa pasimula ng oras ibuhos mo ang iyong puso tulad ng tubig sa harapan ng Panginoon. Itaas mo ang iyong mga kamay sa kaniya dahil ang buhay ng iyong mga anak na nakahigang mahina sa gutom sa dulo ng bawat lansangan.”

Joel 2:17Manangis ang mga paring lingkod ni Yahweh sa pagitan ng balkonahe at altar. Sabihin nilang, “Maaawa ka sa iyong mga tao, Yahweh, at huwag mong dalhin sa kahihiyan ang iyong pamana upang pamahalaan sila ng mga bansa. Bakit sasabihin ng mga bansa, nasaan ang kanilang Diyos?”

John 9:31Alam natin na ang Diyos ay hindi nakikinig sa mga makasalanan, ngunit kung ang isang tao ay sumasamba sa Diyos at gumagawa ng kaniyang kalooban, siya ay pakikinggan ng Diyos.

Romans 2:11Sapagkat walang pinapanigan ang Diyos.

This Verse In Other Editions

King James VersionBíblia Almeida (Português)Luther Bibel (Deutsch)Bible Louis Segond (Français)Библия (Русский)聖經 (中文)성경 (한국어)الكتاب المقدس (العربية)बाइबल (हिन्दी)Biblia (Kiswahili)Bibbia Diodati (Italiano)Alkitab (Bahasa Indonesia)Kinh Thánh (Tiếng Việt)

Study Malachi 1:9

Matthew HenryJamieson-Fausset-BrownAdam ClarkeJohn WesleyJohn CalvinKeil and DelitzschScofieldFamily Bible NotesGeneva Bible Notes (1599)
← Malachi 1:8Malachi 1Malachi 1:10 →