Malachi 2:4
At malalaman ninyo na ipinadala ko ang utos na ito sa inyo at upang manatili ang aking kasunduan kay Levi,” sabi ni Yahweh ng mga hukbo.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Numbers 3:12“Tingnan mo, kinuha ko ang mga Levita mula sa mga tao ng Israel. Ginawa ko ito sa halip na kunin ang bawat panganay na lalaki na ipinanganak mula sa mga tao ng Israel. Pag-aari ko ang mga Levita.
Numbers 18:2Para sa kapwa mo miyembro ng tribu ni Levi, tribu ng iyong ninuno, dapat mo silang isama upang makasali sila sa iyo at tulungan ka kapag naglilingkod ka at ng iyong mga anak na lalaki sa harap ng toldang tipanan.
1 Kings 22:25Sumagot si Micaya, “Masdan ito, malalaman mo sa araw na iyon, kapag tumakbo ka papunta sa isang kaloob-loobang kwarto para magtago.”
Isaiah 1:24Kaya, ito ang pahayag ng Diyos, si Yahweh ng mga hukbo, ang Magiting ng Israel: “Kaawa-awa sila! Maghihiganti ako laban sa mga kaaway ko, at ipaghihiganti ko ang aking sarili laban sa mga kalaban ko;
Isaiah 27:9Sa ganitong paraan, ang matinding kasalanan ni Jacob ay mapapawalang sala, dahil ito ang magiging buong bunga sa pagtalikod niya sa kaniyang kasalanan: Gagawin niyang tisa at ginawang pulbos ang lahat ng altar na bato at walang mga poste ni Asera o mga altar ng insenso ang mananatiling nakatayo.
Ezekiel 20:38Aalisin ko mula sa inyo ang mga mapanghimagsik at ang mga sumusuway laban sa akin. Paaalisin ko sila mula sa lupain kung saan sila naninirahan bilang mga dayuhan, ngunit hindi sila papasok sa lupain ng Israel. Kaya malalaman ninyo na ako si Yahweh!