Mark 10:47
Nang marinig niyang si Jesus na taga-Nazaret iyon, nagsimula siyang sumigaw at nagsabi, “Jesus, Anak ni David, maawa ka sa akin!”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Isaiah 9:6Dahil para sa atin, isang sanggol ang isinilang, isang anak na lalaki ang binibigay; at ang kapamahalaan ay nasa kaniyang balikat; at ang pangalang itatawag sa kaniya ay Kahanga-hangang Taga-payo, Makapangyarihang Diyos, Walang-hanggang Ama, Prinsipe ng Kapayapaan.
Jeremiah 23:5Tingnan ninyo, ang mga araw ay paparating—ito ang pahayag ni Yahweh—kapag magbabangon ako para kay David ng isang matuwid na sanga. Mamumuno siya bilang hari; magdadala siya ng kasaganaan at magpapatupad siya ng katarungan at katuwiran sa lupain.
Matthew 2:23at pumunta siya at nanirahan sa lungsod na tinatawag na Nazaret. Natupad kung ano ang sinabi sa pamamagitan ng mga propeta na siya ay tatawaging Nazareno.
Matthew 12:23Ang lahat ng napakaraming tao ay namangha, at sinabi, “ Anak kaya ni David ang lalaking ito?”
Matthew 20:30At nakita nila ang dalawang bulag na lalaki na nakaupo sa daan. Nang marinig nila na si Jesus ay dumaraan, sila ay sumigaw at nagsabi, “Panginoon, Anak ni David, mahabag ka sa amin.”
Matthew 21:11Ang mga tao ay sumagot, “Si Jesus ito na propeta, na taga-Nazaret ng Galelia.”