Mark 15:34
Sa ika-siyam na oras, sumigaw si Jesus ng may malakas na boses, “Eloi, Eloi, lama sabachthani?” na ang ibig sabihin, “Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan?”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
33Sa ika-anim na oras, nagdilim ang buong lupain hanggang sa ika-siyam na oras.
Cross References
Psalms 22:1Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan? Bakit napakalayo mo mula sa pagliligtas sa akin at malayo mula sa mga salita ng aking paghihirap?
Psalms 42:9Sasabihin ko sa aking Diyos na aking malaking bato, “Bakit mo ako kinalimutan? Bakit ako nagluluksa dahil sa pang-aapi ng aking kaaway?
Isaiah 41:17Naghahanap ng tubig ang mga api at nangangailangan, pero doon ay wala, at ang kanilang mga dila ay tigang sa uhaw; Ako, si Yahweh, ang tutugon sa kanilang panalangin; Ako, ang Diyos ng Israel, ay hindi sila pababayaan.
Lamentations 5:20Bakit mo kami kakalimutan ng magpakailanman? Pababayaan mo ba kami ng napakatagal?
Matthew 27:46At dakong alas tres ng hapon, sumigaw si Cristo na may malakas na tinig at sinabi, “Eli, Eli, lama sabachthani?” na ang kahulugan ay, “Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan?”
Luke 23:46At si Jesus, na may malakas na tinig ay nagsabi, “Ama, ipinagkakatiwala ko ang aking espiritu sa iyong mga kamay.” Pagkasabi niya nito, siya ay namatay.