Matthew 10:5
Ipinadala ni Jesus ang labindalawang ito. Tinagubilinan niya ang mga ito at sinabi, “Huwag kayong pumunta sa alin mang lugar na tinitirhan ng mga Gentil, at huwag kayong papasok sa alin mang bayan ng mga Samaritano.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
4si Simon na Makabayan, at si Judas Escariote na siyang magkakanulo sa kaniya.
6Sa halip, pumunta kayo sa mga nawawalang tupa sa sambahayan ng Israel.
Cross References
Matthew 4:15“Ang lupain ng Zebulun at lupain ng Neftali, sa gawing dagat, sa ibayo ng Jordan, Galilea ng mga Gentil!
Luke 9:2Sila ay isinugo niya upang ipangaral ang kaharian ng Diyos at upang pagalingin ang mga may sakit.
Luke 10:1Ngayon, pagkatapos ng mga bagay na ito, ang Panginoon ay naghirang ng pitumpung iba pa, at isinugo sila nang dalawahan para mauna sa kaniya sa bawat lungsod at lugar na ninanais niyang puntahan.
Luke 17:16Yumuko siya sa paanan ni Jesus, nagpapasalamat sa kaniya. Isa siyang Samaritano.
John 4:9Pagkatapos ay sinabi ng Samaritana sa kaniya, “Paanong ikaw, na isang Judio, ay humihingi sa akin, na isang Samaritana, ng maiinom?” Dahil ang mga Judio ay hindi nakikitungo sa mga Samaritano.
John 4:22Sinasamba ninyo ang hindi ninyo nalalaman. Alam namin ang aming sinasamba, sapagkat ang kaligtasan ay nagmula sa mga Judio.