Matthew 23:3
Kaya kung ano man ang iutos nila na gawin ninyo, gawin at sundin ninyo ang mga bagay na ito. Ngunit huwag ninyong tularan ang mga gawa nila, dahil nagsasabi sila ngunit hindi naman nila ginagawa.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
2Sinabi niya, “Ang mga eskriba at mga Pariseo ay umuupo sa upuan ni Moises.
Cross References
Exodus 18:19Makinig ka sa akin. Bibigyan kita ng payo, at sumaiyo ang Diyos, dahil ikaw ang kinatawan ng tao sa Diyos, at ikaw ang nagdadala ng kanilang mga pagtatalo sa kaniya.
Deuteronomy 4:5Tingnan ninyo, tinuro ko sa inyo ang mga batas at panuntunan, gaya ng iniutos ni Yahweh na aking Diyos, na dapat ninyong gawin sa kalagitnaan ng lupain kung saan kayo patungo para maangkin ninyo ito.
Deuteronomy 17:9Dapat kang pumunta sa mga pari, ang mga kaapu-apuhan ni Levi at sa mga hukom na naging tagasilbi ng panahong iyon, hahanapin mo ang kanilang mga payo at ibibigay nila sa inyo ang paghatol.
Psalms 50:16Pero sa mga makasalanan sinasabi ng Diyos, “Ano ang kinalaman mo sa pagpapahayag ng aking mga kautusan, at sinasambit mo ang aking tipan,
Matthew 21:30At ang taong ito ay pumunta sa kaniyang pangalawang anak at nagsabi ng ganoon din. Sumagot ang anak na ito at nagsabi, 'Ginoo, pupunta ako.' Ngunit hindi siya pumunta.
Romans 2:19At ipagpalagay na ikaw ay nakatitiyak na ikaw mismo ay taga-akay ng mga bulag, isang ilaw sa mga nasa kadiliman,