Mateo 26:56
Ngunit lahat ng ito ay kailangang mangyari upang ang mga sinusulat ng mga propeta ay matupad.” At iniwanan siya ng lahat ng mga alagad at sila’y tumakas.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 3:15Maglalagay ako ng poot sa pagitan mo at ng babae, at sa pagitan ng iyong binhi at ng kanyang binhi. Dudurugin niya ang iyong ulo, at tutuklawin mo ang kanyang sakong.”
Lamentations 4:20Ang hininga sa mga butas ng aming ilong, ang pinahiran ni Yahweh—na aming hari, ay nahuli sa kanilang mga hukay; siya ang aming hari na aming sinasabi, “'Mabubuhay kami sa ilalim ng kaniyang pangangalaga kasama ng mga bansa.”'
Daniel 9:26Pagkatapos ng pito na tig-aanimnapu't dalawang taon, ang isang hinirang ay malilipol at mawawalan. Wawasakin ng hukbo ng isang parating na pinuno ang lungsod at ang banal na lugar. Darating ang katapusan nito sa pamamagitan ng baha at magkakaroon ng digmaan hanggang sa huli. Ang pagkawasak ay itinakda na.
Matthew 26:24Ang Anak ng Tao ay aalis, katulad ng naisulat patungkol sa kaniya. Ngunit aba sa lalaking iyon na magkanulo sa Anak ng Tao! Mas mabuti pa sa lalaking iyon na hindi na siya ipinanganak.”
Matthew 26:54Ngunit paano matutupad ang mga kasulatan, na dapat mangyari?”
John 16:32Tingnan ninyo, ang oras ay paparating, oo at dumating na nga, na kayo ay magkakahiwa-hiwalay, bawa't isa sa kaniyang sariling pag-aari, at iiwanan ninyo akong mag-isa. Subalit ako ay hindi nag-iisa dahil ang Ama ay kasama ko.