Mateo 27:50
Pagkatapos nito muling sumigaw si Jesus na may malakas na tinig at isinuko ang kaniyang espiritu.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
Jesus, when he had cried again with a loud voice, yielded up the ghost.
In Context
Cross References
Psalms 22:14Ako ay parang natapong tubig, at lahat ng aking mga buto ay nalinsad. Ang aking puso ay tulad ng pagkit; natutunaw ito sa kaloob-loobang bahagi ko.
Daniel 9:26Pagkatapos ng pito na tig-aanimnapu't dalawang taon, ang isang hinirang ay malilipol at mawawalan. Wawasakin ng hukbo ng isang parating na pinuno ang lungsod at ang banal na lugar. Darating ang katapusan nito sa pamamagitan ng baha at magkakaroon ng digmaan hanggang sa huli. Ang pagkawasak ay itinakda na.
Mark 15:37Pagkatapos ay sumigaw si Jesus ng may malakas na boses at namatay.
John 10:11Ako ang mabuting pastol. Inialay ng mabuting pastol ang kaniyang buhay para sa mga tupa.
John 19:30Nang matanggap ni Jesus ang maasim na alak, sinabi niya, “Naganap na.” Iniyuko niya ang kaniyang ulo at isinuko ang kaniyang espiritu.
Hebrews 9:14gaano pa kaya ang dugo ni Cristo, na sa pamamagitan ng walang hanggang Espiritu ay inialay ang kaniyang sarili na walang dungis sa Diyos, na luminis sa ating budhi mula sa mga gawang patay upang makapaglingkod sa Diyos na buhay?