Matthew 5:21
Inyong narinig na sinabi sa kanila noong mga unang panahon, 'Huwag kang pumatay,' at 'Sinumang papatay ay manganganib sa paghuhukom.'
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 20:13Hindi kayo dapat pumatay ng sinuman.
Numbers 35:12Ang mga lungsod na ito ang dapat magiging inyong kublihan mula sa tagapaghiganti, upang ang akusadong tao ay hindi mapapatay na walang unang paglilitis sa harap ng sambayanan.
Numbers 35:30Kung sinuman ang pumatay ng sinumang tao, dapat patayin ang mamamatay-tao, ayon sa patotoo sa pamamagitan ng mga salita ng mga saksi. Ngunit ang salita ng isang saksi lamang ay hindi magdudulot sa sinumang tao upang patayin.
Deuteronomy 16:18Dapat gumawa kayo ng mga hukom at mga opisiyal sa loob ng lahat ng inyong mga tarangkahan ng lungsod na ibibigay sa inyo ni Yahweh na inyong Diyos; sila ay kukunin mula sa bawat mga lipi ninyo, at dapat sila ay humatol sa mga tao ng may matuwid na paghatol.
2 Samuel 20:18Pagkatapos sinabi niya, “Sinasabi nila sa sinaunang panahon, 'Siguraduhing humingi ng payo sa Abel,' at ang payong iyon ang tatapos sa bagay.
1 Kings 2:31Sinabi sa kaniya ng hari, “Gawin mo kung ano ang sinabi niya. Patayin mo siya at ilibing, para maalis mo mula sa akin at sa sambahayan ng aking ama ang dugo na pinadanak ni Joab nang walang dahilan.