Mateo 8:9
Sapagkat ako ma'y isang taong nasa ilalim ng kapangyarihan at may mga kawal ako na napapasailalim sa akin. Sinasabi ko sa isa, 'Humayo ka' at siya ay humayo, sa isa 'Halika' at siya ay lalapit at sa aking lingkod 'Gawin mo ito' at ginawa nga niya.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Job 38:34Kaya mo bang sumigaw sa mga ulap, para masaganang bumuhos ang ulan sa iyo?
Psalms 119:91Nagpapatuloy hanggang ngayon ang lahat ng mga bagay, gaya ng sinabi mo sa matuwid mong mga utos, dahil mga lingkod mo ang lahat ng mga bagay.
Jeremiah 47:6Kapighatian, ang espada ni Yahweh! Gaano katagal hanggang sa manahimik ka? Bumalik ka sa iyong kaluban! Tumigil ka at manahimik.
Mark 4:39At gumising siya at sinaway ang hangin at sinabi sa dagat, “Pumayapa ka, tigil.” Tumigil ang hangin, at nagkaroon ng labis na kapayapaan.
Luke 4:39Kaya tumayo siya malapit sa kaniya at sinaway ang kaniyang lagnat, at umalis ito. Agad siyang tumayo at nagsimulang maglingkod sa kanila.
Ephesians 6:5Mga alipin, maging masunurin kayo sa inyong mga panginoon sa lupa na may kasamang malalim na paggalang at pagkatakot, sa katapatan ng inyong mga puso. Maging masunurin sa kanila katulad ng pagsunod ninyo kay Cristo.