The Bible Software
bible.softwareMicahMicah 3 › Micah 3:5

Micah 3:5

Ito ang sinasabi ni Yahweh tungkol sa mga propeta na nagliligaw sa aking mga tao: “Sapagkat sinasabi nila sa mga nagpapakain sa kanila, 'Magkakaroon ng kasaganaan.' Ngunit para sa mga walang maisubo sa kanilang mga bibig, nagsisimula sila ng isang digmaan laban sa kaniya.

Ang Biblia (Tagalog)

In The King James Version

Thus saith the LORD concerning the prophets that make my people err, that bite with their teeth, and cry, Peace; and he that putteth not into their mouths, they even prepare war against him.

In Context

4At kayong mga tagapamahala ay dadaing kay Yahweh, ngunit hindi niya kayo sasagutin. Ikukubli niya ang kaniyang mukha mula sa inyo sa panahong iyon, dahil gumawa kayo ng mga masamang gawa.”

6Kaya, ito ay magiging gabi sa inyo na hindi na kayo magkakaroon ng pangitain; ito ay magiging madilim upang hindi kayo makapanghuhula. Lulubog ang araw sa mga propeta at magdidilim ang umaga sa kanila.

Read all of Micah 3

Cross References

Isaiah 3:12Bayan ko —mga bata ang nag-uusig, at ang mga babae ang namamahala sa kanila. Bayan ko, nililinlang kayo ng mga pinuno niyo at nililito ang direksyon ng inyong landas.

Isaiah 56:9Lahat kayong mga ligaw na hayop sa parang, magsiparito kayo at lumamon, lahat kayong mga hayop sa kagubatan!

Jeremiah 6:14Ngunit pinagaling lamang nila ng bahagya ang sugat ng aking mga tao, nang sabihin nila, 'Kapayapaan! Kapayapaan!' ngunit walang kapayapaan.

Jeremiah 23:9Tungkol sa mga propeta, nawasak ang aking puso, at nanginig ang lahat ng aking mga buto. Naging tulad ako ng isang lasing na lalaki, tulad ng isang lalaking nadaig ng alak, dahil kay Yahweh at sa kaniyang mga banal na salita.

Jeremiah 23:32Tingnan ninyo, hindi ako sang-ayon sa mga propeta na nananaginip ng mapanlinlang—Ito ang pahayag ni Yahweh—at pagkatapos ay ipapahayag ang mga ito at sa paraang ito naliligaw ang aking mga tao sa kanilang panlilinlang at pagmamataas. Hindi ako sang-ayon sa kanila, sapagkat hindi ko sila isinugo ni binigyan ng mga utos. Kaya tiyak na hindi nila tutulungan ang mga taong ito—ito ang pahayag ni Yahweh.

Jeremiah 29:21Akong si Yahweh ng mga hukbo, Diyos ng Israel, ang nagsabi nito tungkol kay Ahab na anak ni Kolaias at kay Zedekias na anak ni Maasias, na nagpahayag ng kasinungalingan sa inyo sa aking pangalan: Tingnan ninyo, ibibigay ko sila sa kamay ni Nebucadnezar na hari ng Babilonia. Papatayin niya sila sa inyong harapan.

This Verse In Other Editions

King James VersionBíblia Almeida (Português)Luther Bibel (Deutsch)Bible Louis Segond (Français)Библия (Русский)聖經 (中文)성경 (한국어)الكتاب المقدس (العربية)बाइबल (हिन्दी)Biblia (Kiswahili)Bibbia Diodati (Italiano)Alkitab (Bahasa Indonesia)Kinh Thánh (Tiếng Việt)

Study Micah 3:5

Matthew HenryJamieson-Fausset-BrownAdam ClarkeJohn WesleyJohn CalvinKeil and DelitzschScofieldFamily Bible NotesGeneva Bible Notes (1599)
← Micah 3:4Micah 3Micah 3:6 →