Micah 3:9
Ngayon pakinggan ninyo ito, kayong mga pinuno ng sambahayan ni Jacob at mga tagapamahala sa sambahayan ng Israel, kayong napopoot sa katarungan at bumabaluktot sa lahat ng matuwid.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
10Itinayo ninyo ang Sion sa pamamagitan ng dugo at ang Jerusalem sa pamamagitan ng kasamaan.
Cross References
Exodus 3:16Lumakad ka at sama-samang tipunin ang mga nakatatanda ng Israel. Sabihin sa kanila, 'si Yahweh, ang Diyos ng inyong mga ninuno, ang Diyos ni Abraham, ni Isaac, at ni Jacob, ay nagpakita sa akin at nagsabi, “Tunay ngang napagmasdan ko kayo at nakita ang ginawa sa inyo sa Ehipto.
Deuteronomy 27:19'Nawa'y isumpa ang taong nagkakait ng katarungan na nararapat sa isang dayuhan, ulila, o balo.' At lahat ng mga tao ay dapat magsabi ng, 'Amen.'
Psalms 58:1Nagsasabi ba kayong mga tagapamahala ng katuwiran? Tuwid ba kayong humatol, kayong mga tao?
Proverbs 17:23Ang masamang tao ay tumatanggap ng suhol na palihim para iligaw ang mga daan ng katarungan.
Jeremiah 5:28Naging mataba sila at naging tanyag nang may kagalingan. Ginawa nila ang lahat ng kasamaan. Hindi nila ipinaglaban ang kapakanan ng mga tao o ang kapakanan ng mga ulila. Nagtagumpay sila kahit na hindi sila nagbigay ng katarungan sa mga nangangailangan.
Amos 5:7Ang mga taong ginagawang mapait na bagay ang katarungan at itinatapon sa lupa ang katuwiran!”