Micah 4:6
“Sa araw na iyon”, sinabi ni Yahweh, “Pag-iisahin ko ang mga pilay at titipunin ko ang mga itinakwil, sila aking sinaktan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Psalms 38:17Dahil matitisod na ako at ako ay patuloy na naghihinanakit.
Isaiah 35:3Palakasin ninyo ang mahihinang kamay, at patatagin ninyo ang mga tuhod na nangangatog.
Jeremiah 3:18Sa mga araw na iyon, maglalakad ang sambahayan ng Juda kasama ang sambahayan ng Israel. Magkasama silang pupunta mula sa lupain sa hilaga patungo sa lupaing ibinigay ko sa inyong mga ninuno bilang kanilang mana.
Jeremiah 31:8Tingnan mo, dadalhin ko na sila sa hilagang mga lupain. Titipunin ko sila sa mga pinakamalayong dako ng mundo. Kasama nila ang mga bulag at pilay, ang mga nagdadalang tao at ang mga malapit nang manganak ay kasama nila. Isang malaking kapulungan ang babalik dito.
Ezekiel 34:16Hahanapin ko ang mga nawawala at panunumbalikin ang mga naitaboy; Bebendahan ko ang napilay na tupa at pagagalingin ang may sakit na tupa. At aking lilipulin ang mga pinataba at malalakas! Magpapastol ako nang may katarungan!
Ezekiel 37:21At ipahayag mo sa kanila, 'Ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh: Masdan! Kukunin ko ang Israelita mula sa mga bansa kung saan sila pumunta. Titipunin ko sila mula sa mga nakapalibot na mga lupain. Sapagkat dadalhin ko sila sa kanilang lupain.