Micah 6:5
Aking mga tao, alalahanin ninyo ang mga inisip ni Balak na Hari ng mga Moab at ang sagot sa kaniya ni Balaam anak ni Boar sa iyong pagpunta sa Sitim hanggang Gigal upang malaman ninyo ang matuwid kong mga ginawa, si Yahweh.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Numbers 22:41Kinaumagahan, dinala ni Balak si Balaam sa itaas sa mga dambana ni Baal. Mula roon makikita lamang ni Balaam ang maliit na bahagi ng mga Israelita sa kanilang kampo.
Numbers 23:27Kaya sumagot si Balak kay Balaam, “Pumarito ka ngayon, dadalhin kita sa ibang lugar. Marahil makakalugod ito sa Diyos para isumpa mo sila roon para sa akin.”
Numbers 25:2sapagkat inaanyayahan ng mga Moabita ang mga tao sa mga pag-aalay sa kanilang mga diyos. Kaya kumain at yumukod ang mga tao sa mga diyos ng Moabita.
Numbers 31:16Masdan ninyo, ang mga babaeng ito, sa pamamagitan ng payo ni Balaam, ang nagdulot sa mga tao ng Israel na magkasala laban kay Yahweh sa usapin ng Peor, nang lumaganap ang salot sa sambayanan ni Yahweh.
Deuteronomy 8:2Isasa-isip ninyo ang lahat ng mga kaparaanan ni Yahweh na inyong Diyos na nagdala sa inyo ng apatnapung taon sa ilang, para kayo ay ibaba niya, para subukin niya kayo para malaman kung ano ang nasa inyong puso, kung susundin ninyo ang kaniyang mga utos o hindi.
Deuteronomy 9:7Alalahanin ninyo at huwag kalimutan kung paano ninyo ginalit si Yahweh na inyong Diyos sa ilang; mula sa araw na iniwan ninyo ang lupain ng Ehipto hanggang sa nakarating kayo sa lugar na ito, naging suwail kayo laban kay Yahweh.