Micah 6:7
Malulugod ba si Yahweh sa isang libong lalaking tupa o kaya sampung libong mga ilog ng langis? Dapat ko bang ibigay ang aking unang anak para sa aking pagsuway, ang bunga ng aking katawan para sa aking sariling kasalanan?
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Leviticus 18:21Hindi ninyo dapat ibigay ang sinuman sa inyong mga anak upang idaan sa apoy, upang ialay ninyo sila kay Molec, sapagkat hindi ninyo dapat lapastanganin ang pangalan ng inyong Diyos. Ako si Yahweh.
Judges 11:39Pagkatapos ng dalawang buwan bumalik siya sa kaniyang ama, na ginawa sa kaniya ang ayon sa panata na kaniyang ginawa. Ngayon hindi siya kailanman sumiping sa isang lalaki, at naging kaugalian ito ng Israel
2 Kings 3:27Pagkatapos, sinama niya ang kaniyang panganay, na maghahari sana pagkatapos niya, hinandog niya ito bilang susunuging alay sa pader. Kaya nagkaroon ng labis na galit laban sa Israel, at iniwan ng hukbo ng Israelita si Haring Mesa at bumalik sa kanilang sariling lupain.
2 Kings 21:6Hinandog niya ang kaniyang anak bilang sinunog na handog sa apoy, nagsagawa siya ng panghuhula at salamangka, at kumonsulta sa mga nakipagusap sa mga patay at sa mga nakipagusap sa mga espiritu. Gumawa siya ng labis na kasamaan sa paningin ni Yahweh, at pinukaw niya ang Diyos na magalit.
Job 29:6nang ang aking landas ay umaapaw sa gatas, at ibinubuhos sa akin ng bato ang mga batis ng langis!
Psalms 50:9Wala akong kukuning toro mula sa inyong bahay, o lalaking mga kambing mula sa inyong mga kawan.