Nahum 2:9
Kunin ninyo ang sinamsam na pilak, kunin ninyo ang sinamsam na ginto, sapagkat wala itong katapusan, ang karangyaan ng lahat ng bagay na magaganda sa Ninive.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
2 Chronicles 36:10Noong tagsibol, nagpadala si Haring Nebucadnezar ng mga kalalakihan at dinala siya sa Babilonia, kasama ng mga mahahalagang bagay mula sa tahanan ni Yahweh at ginawa niyang hari ng Juda at Jerusalem ang kaniyang kamag-anak na si Zedekias.
Isaiah 33:4Ang iyong nasamsam ay tinitipon gaya ng mga balang na nagtitipon; gaya ng paglukso ng mga balang, ang mga tao ay lumulukso dito.
Jeremiah 46:5Ano ang aking nakikita rito? Napuno sila ng matinding takot at tumatakbo palayo, sapagkat natalo ang kanilang mga kawal. Tumatakbo sila upang makaligtas at hindi lumilingon. Ang matinding takot ay nasa lahat ng dako—ito ang pahayag ni Yahweh—
Ezekiel 26:12Sa paraang ito nanakawin nila ang iyong lakas at ang iyong mga kalakal! Gigibain nila ang iyong mga pader at ang iyong mga maririwasang bahay hanggang ang iyong bato at kahoy at alikabok ay mailatag sa gitna ng katubigan.
Nahum 2:12Niluray ng leon ng pirara-piraso ang kaniyang biktima para sa kaniyang mga anak, sinakmal niya ang mga biktima para sa kaniyang mga asawang leon, at pinupuno ang kaniyang kuweba ng mga biktima, puno ang kaniyang mga lungga ng mga nilapang patay na hayop.