Numbers 10:1
Nagsalita si Yahweh kay Moises. Sinabi niya,
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
And the LORD spake unto Moses, saying,
In Context
Cross References
Genesis 46:15(ito ang mga anak na lalaki ni Lea na ipinanganak kay Jacob sa Paddan Aram, kabilang ang anak niyang babae na si Dina. Ang bilang ng lahat ng kanyang mga anak na lalaki at mga anak na babae ay tatlumpu't tatlo);
Numbers 7:2Sa araw na iyon, nag-alay ng mga handog ang mga pinuno ng Israel, ang mga pangulo ng mga pamilya ng kanilang ninuno. Ang mga taong ito ang nangunguna sa mga tribu. Pinamahalaan nila ang pagbibilang ng mga kalalakihan sa sensus.
Joshua 6:4Dapat dalhin ng pitong pari ang pitong trumpetang gawa sa mga sungay ng lalaking tupa sa harapan ng kaban. Sa ikapitong araw, dapat kayong magmartsa ng pitong beses palibot ng lungsod at patunugin ng malakas ang mga trumpeta ng mga pari.
2 Samuel 6:15Kaya dinala ni David at ng buong kabahayan ng Israel ang kaban ni Yahweh na may sigawan at tunog ng mga trumpeta.
2 Chronicles 5:12Maging ang mga Levitang mga mang-aawit, lahat sila, kabilang sina Asaf, Heman, Jedutun, at ang kanilang lalaking anak at ang kanilang mga kapatid na lalaki ay nakadamit ng pinong lino at tumutugtog ng mga pompiyang, mga alpa, at mga lira, na nakatayo sa silangang dulo ng altar. Kasama nila ang 120 pari na umiihip ng mga trumpeta.
2 Chronicles 23:13At tumingin siya, at masdan, ang hari ay nakatayo sa kaniyang haligi sa pasukan, at nasa tabi ng hari ang mga pinuno at mga taga-ihip ng trumpeta. Nagsasaya at umiihip ng mga trumpeta ang lahat ng tao sa lupain at ang mga mang-aawit ay tumutugtog ng mga instrumentong pangmusika at nangunguna sa pagkanta ng papuri. At pinunit ni Atalia ang kaniyang damit at sumigaw, “Pagtataksil! Pagtataksil!”