Numbers 18:5
Dapat ninyong kunin ang tungkulin na ito nang sa gayon, hindi muling dumating ang aking galit sa mga tao ng Israel.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 30:7Dapat si Aaron ang magsunog ng mabangong insenso sa tuwing umaga. Dapat niyang sunugin ito kapag inaayos niya ang mga lampara.
Leviticus 24:3Sa labas ng kurtina bago ang mga tipan ng kautusan sa tolda ng pagpupulong, si Aaron ay dapat tuloy-tuloy, mula gabi hanggang umaga, panatilihing naka-ilaw ang lampara sa harap ni Yahweh. Ito ay laging magiging isang batas sa buong angkan ng iyong mga tao.
Numbers 4:18“Huwag hayaan ang mga angkan ng mga tribu ni Kohat na maalis mula sa mga Levita.
Numbers 8:19Ibinigay ko ang mga Levita bilang isang regalo kay Aaron at sa kaniyang mga anak na lalaki. Kinuha ko sila mula sa mga tao ng Israel upang gawin ang gawain ng mga tao ng Israel sa tolda ng pagpupulong. Ibinigay ko sila upang magbayad ng kasalanan para sa mga tao ng Israel upang walang salot ang pipinsala sa mga tao kapag lumapit sila sa banal na lugar.”
1 Chronicles 9:19Tagapamahala sa mga gawain sa templo at nagbabantay sa bungad ng tolda si Sallum na anak ni Kore na anak ni Ebiasaf na anak ni Korah, at ang kaniyang mga kamag-anak, sa angkan ng kaniyang ama, ang angkan ni Korah. Katulad ng kanilang mga ninuno na tagabantay noon sa pasukan ng lugar kung saan nananahan si Yahweh.
1 Chronicles 9:33Nanirahan ang mga mang-aawit at pamilya ng pinuno ng mga Levita sa mga silid sa templo kapag wala silang gawain, dahil kailangan nilang gampanan ang kanilang mga naitakdang tungkulin sa araw at gabi.