Numbers 4:5
Kapag naghahanda ang kampo para umabante, dapat pumunta si Aaron at ang kaniyang mga anak na lalaki sa tolda, ibaba ang kurtina na naghihiwalay sa pinakabanal na lugar mula sa banal na lugar, at itakip ito sa kaban ng tipan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 26:31Dapat kang gumawa ng kurtina na may asul, lila at matingkad na pulang lana, na may disenyong kerubin, gawa ito ng mahusay na manggagawang lalaki.
Exodus 37:1Gumawa si Bezalel ng kaban sa kahoy ng akasya. Ang haba nito ay dalawa at kalahating kubit; ang lapad nito ay isa at kalahating kubit at ang taas nito ay isa at kalahating kubit.
Numbers 2:16Ang lahat ng mga hukbong dapat magkampong kasama ni Ruben ay may bilang na 151, 450 na kalalakihan. Sila ang dapat pangalawang lumabas mula sa kampo.
Numbers 4:15Kapag ganap na natakpan ni Aaron at ng kaniyang mga anak na lalaki ang banal na lugar at lahat ng mga kasangkapan nito, at kapag umabante ang kampo, dapat pumunta ang mga kaapu-apuhan ni Kohat upang dalhin ang banal na lugar. Kapag hinawakan nila ang mga sagradong kasangkapan, dapat silang mamatay. Ito ang gawain ng mga kaapu-apuhan ni Kohat, upang dalhin ang mga gamit sa tolda ng pagpupulong.
2 Samuel 6:2Tumayo si David at umalis kasama ang lahat niyang mga kalalakihan na sumama sa kaniya mula sa Baala sa Juda para dalhin ang kaban ng Diyos, na tinawag sa pamamagitan ng pangalan ni Yahweh ng mga hukbo, na nakaupo sa kadakilaan ng buong kerubin.
Matthew 27:51Masdan ito, ang kurtina sa templo ay nahati sa dalawa mula itaas hanggang sa baba. At ang mundo ay nayanig, at ang mga bato ay nahati.