Philippians 3:1
Sa wakas, mga kapatid, magalak kayo sa Panginoon. Para sa akin, hindi kaabalahan ang isulat muli ang parehong mga bagay na ito sa inyo. Pananatilihin kayong ligtas ng mga bagay na ito.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 12:18Sa halip, kakainin ninyo ang mga ito sa harapan ni Yahweh na inyong Diyos sa lugar na pipiliin ni Yahweh na inyong Diyos—kayo, ang inyong anak na lalaki, anak na babae, ang mga lingkod na lalaki, mga lingkod na babae, at ang mga Levita na nasa loob ng inyong tarangkahan; magsasaya kayo sa harapan ni Yahweh na inyong Diyos tungkol sa lahat ng bagay kung saan inilagay ninyo ang inyong kamay.
1 Samuel 2:1Nanalangin si Ana at sinabing, “Nagsasaya ang aking puso kay Yahweh. Itinaas ni Yahweh ang aking tambuli. Nagmamayabang ang aking bibig sa aking mga kaaway, dahil nagagalak ako sa iyong pagliligtas.
1 Chronicles 16:10Magmayabang kayo sa kaniyang banal na pangalan, magalak ang puso ng mga naghahanap kay Yahweh.
1 Chronicles 29:22Sa araw na iyon, kumain sila at uminom sa harapan ni Yahweh na may malaking pagdiriwang. Ginawa nilang hari sa ikalawang pagkakataon si Solomon, na anak ni David, at hinirang siya sa kapangyarihan ni Yahweh na maging pinuno. Hinirang din nila si Zadok na maging pari.
Nehemiah 8:10Pagkatapos, sinabi ni Nehemias sa kanila, “Humayo na kayo, kainin ninyo ang taba at kumuha kayo ng matamis na maiinom, at ipadala ang ilan nito sa mga walang naihanda, dahil ang araw na ito ay banal sa ating Panginoon. Huwag kayong magdalamhati, dahil ang kagalakan ni Yahweh ang inyong lakas.”
Psalms 5:11Pero nawa ang lahat ng kumukubli sa iyo ay magalak; hayaan mo silang laging sumigaw sa galak dahil ipinagtatanggol mo sila; hayaan mo silang magalak sa iyo, sila na nagmamahal sa iyong pangalan.