Proverbs 20:24
Ang mga hakbang ng isang tao ay pinapatnubayan ni Yahweh; paano niya mauunawaan ang kaniyang paraan kung gayon?
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
Man’s goings are of the LORD; how can a man then understand his own way?
In Context
Cross References
Psalms 25:4Ipaalam mo sa akin ang iyong mga kaparaanan, Yahweh, ituro mo sa akin ang iyong mga landas.
Psalms 37:23Sa pamamagitan ni Yahweh naitatag ang mga hakbang ng isang tao, ang tao na ang balakin ay kapuri-puri sa paningin ng Diyos.
Proverbs 16:1Ang mga balak ng puso ay pag-aari ng isang tao, ngunit mula kay Yahweh ang sagot mula sa kaniyang dila.
Isaiah 10:6Ipapadala ko siya laban sa isang mayabang na bansa at laban sa mga taong pasan ang nag-uumapaw kong poot. Inutusan ko siyang samsamin ang mga kayamanan, para kunin ang biktima, at para apakan sila tulad ng mga putik sa mga lansangan.
Daniel 5:23Itinaas mo ang iyong sarili laban sa Panginoon ng langit. Mula sa kaniyang tahanan dinala sa iyo ang mga sisidlang ininuman mo ng alak at iyong mga maharlikang tauhan at ng iyong mga asawa at ng iyong mga asawang lingkod at nagpuri kayo sa inyong mga diyus-diyosang gawa sa pilak at ginto, tanso, bakal, kahoy at bato—-mga diyus-diyosang hindi makakita, hindi makarinig, o hindi nakakaalam ng anumang bagay. Hindi mo iginalang ang Diyos na may hawak ng iyong hininga sa kaniyang kamay at nakakaalam sa lahat ng iyong mga pamamaraan.