Proverbs 20:25
Isang patibong para sa isang tao ang pagsasabi nang padalus-dalos, “Ang bagay na ito ay banal,” at iniisip lamang ang kahulugan pagkatapos niyang masabi ang kaniyang panata.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
It is a snare to the man who devoureth that which is holy, and after vows to make enquiry.
In Context
Cross References
Leviticus 5:15“Kung sinuman ay lumabag sa isang utos at nagkasala laban sa mga bagay na pagmamay-ari ni Yahweh, ngunit nagawa nang hindi sinasadya, kung gayon dapat dalhin niya kay Yahweh ang kaniyang handog na pambayad kasalanan. Dapat isang lalaking tupa na walang dungis mula sa kawan ang handog na ito; dapat tasahin ang halaga nito sa pilak na sekel—ang sekel ng santuwaryo—bilang handog na pambayad sa kasalanan.
Leviticus 27:9Kung gusto ng isang tao na mag-alay ng isang hayop kay Yahweh, at kung tatanggapin ito ni Yahweh, sa gayon ang hayop na iyon ay ilalaan sa kanya.
Numbers 30:2Kapag gumawa ng panata ang sinuman kay Yahweh, o sumumpa ng isang panunumpa upang itali ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng isang pangako, hindi niya dapat sirain ang kaniyang salita. Dapat niyang tuparin ang kaniyang pangako na gawin ang lahat ng bagay na lumabas sa kaniyang bibig.
Deuteronomy 23:23Ang lumabas sa inyong mga labi ay dapat ninyong tuparin at gawin; ayon sa inyong naipanata kay Yahweh na inyong Diyos, anumang bagay na malaya ninyong naipangako sa pamamagitan ng inyong bibig.
Judges 21:22Kapag pumunta ang kanilang mga ama o kanilang mga kapatid na lalaki para tumutol sa amin, sasabihin namin sa kanila, 'Bigyan ninyo kami ng pabor! Hayaan silang manatili sa amin dahil hindi kami nakakuha ng mga asawa sa panahon ng digmaan. At wala kayong kasalanan hinggil sa isang pangako, dahil hindi ninyo ibinigay sakanila ang inyong mga anak na babae.”'
Ecclesiastes 5:2Huwag agad-agad magsasalita ang inyong bibig, at huwag hayaan ang inyong puso ay agad-agad maghain ng anumang bagay sa harapan ng Diyos. Ang Diyos ay nasa langit, ngunit ikaw ay nasa ibabaw ng mundo, kaya hayaang kakaunti ang iyong mga salita.