Mga Awit 9:13
Maawa ka sa akin, Yahweh; tingnan mo kung paano ako inaapi ng mga kinamumuhian ako, ikaw na kayang agawin ako mula sa mga tarangkahan ng kamatayan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 4:9Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Cain, “Nasaan ang iyong kapatid na si Abel?” Sinabi niya, “Hindi ko alam. Tagapangalaga ba ako ng aking kapatid?”
1 Kings 21:19Dapat kang makipag-usap sa kaniya at sabihin na sinasabi ni Yahweh, 'Pumatay ka ba at nagkamkam ng ari-arian?' At sasabihin mo sa kaniya na sinasabi ni Yahweh, 'Sa lugar kung saan dinilaan ng mga aso ang dugo ni Nabot, didilaaan ng mga aso ang iyong dugo, oo, ang iyong dugo.'
2 Chronicles 24:22Sa paraang ito, pinagsawalang-bahala ni haring Joas ang kabaitan na ginawa sa kaniya ni Joiada, ang ama ni Zacarias. Sa halip, pinatay niya ang anak ni Joiada. Nang si Zacarias ay naghihingalo, kaniyang sinabi, “Makita nawa ito ni Yahweh at papanagutin ka.”
Psalms 10:12Bumangon ka, Yahweh; itaas mo ang iyong kamay sa paghatol, O Diyos. Huwag mong kalimutan ang mga api.
Psalms 13:3Tumingin ka sa akin at sagutin mo ako, Yahweh aking Diyos! Paliwanagin ang aking mga mata, o ako ay matutulog sa kamatayan.
Psalms 30:3Yahweh, hinango mo ang aking kaluluwa mula sa Sheol; pinanatili mo akong buhay mula sa pagbaba sa libingan.