Revelation 21:4
Papahirin niya ang bawat luha mula sa kanilang mga mata, wala nang kamatayan, o pagdadalamhati, o pag-iyak, o sakit. Ang naunang mga bagay ay lumipas na.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Psalms 144:4Ang tao ay gaya ng isang hininga, ang kaniyang mga araw ay gaya ng isang dumaraang anino.
Isaiah 30:19Dahil isang pangkat ng mga tao ang maninirahan sa Sion, sa Jerusalem, at hindi na kayo iiyak. Tiyak na magbibigay-biyaya siya sa inyo sa tunog ng inyong pag-iyak. Kapag narinig niya ito, sasagot siya sa inyo.
Isaiah 51:11Babalik ang mga tinubos ni Yahweh at pupunta sa Sion nang may mga sigaw ng kagalakan at may kaligayahan magpakailanman sa kanilang mga ulo; at kaligayahan at kagalakan ang mananaig sa kanila, at lalayo ang kalungkutan at pagluluksa.
Isaiah 61:3para ilagay sa lugar ang mga tumatangis sa Sion—para bigyan sila ng isang turban sa halip na mga abo, langis ng kagalakan sa halip na pagtatangis, isang balabal ng papuri kapalit ng isang espiritu ng kalungkutan, para tawagin silang mga puno ng katuwiran, ang pagtatanim ni Yahweh, para siya ay maaaring luwalhatiin.
Jeremiah 31:13At sasayaw nang may galak ang mga birhen at mga binata at mga matatandang kalalakihan. Sapagkat papalitan ko ang kanilang pagdadalamhati ng pagdiriwang. Kahahabagan ko sila at magagalak sa halip na nagluluksa.
Matthew 24:35Lilipas ang langit at ang lupa, ngunit ang mga salita ko ay hindi kailanman lilipas.