Romans 11:8
Gaya ng nasusulat: “Binigyan sila ng Diyos ng espiritu ng kapurulan, ng mga mata upang hindi nila makita, at ng mga tainga upang hindi nila marinig, hanggang sa araw na ito.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
2 Kings 17:34Sa mga araw na ito nanatili sila sa kanilang sinaunang kaugalian. Hindi nila pinararangalan si Yahweh, ni sundin nila ang mga bilin, atas, ang batas, o ang utos na ibinigay ni Yahweh sa bayan ni Jacob - na siyang pinangalanang Israel -
Isaiah 6:9Sinabi niya, “Humayo ka at sabihin mo sa mga taong ito, makinig man kayo, hindi kayo makauunawa; tumingin man kayo, hindi kayo makakikita.
Jeremiah 5:21'Pakinggan ninyo ito mga hangal na tao! Sapagkat ang mga diyus-diyosan ay walang kakayahan, may mga mata sila ngunit hindi sila nakakakita. May mga tainga sila ngunit hindi sila nakaririnig.
Matthew 13:13Kaya kinakausap ko sila sa pamamagitan ng mga talinghaga, sapagkat kahit na sila ay nakakakita, hindi sila tunay na nakakakita. At bagaman nakaririnig sila ay hindi naman sila tunay na nakaririnig, ni hindi sila makaunawa.
Luke 8:10Sinabi ni Jesus sa kanila, “Ipinagkaloob sa inyo ang karapatang maunawaan ang mga hiwaga sa kaharian ng Diyos, ngunit ang ibang mga tao ay tuturuan lamang sa mga talinghaga, kaya tumingin man sila ay hindi talaga sila makakakita, at makinig man sila ay hindi talaga sila makakaunawa.
2 Corinthians 3:14Ngunit ang kanilang mga isipan ay sarado. Kahit hanggang ngayon sa araw na ito, ang parehong takip sa mukha ay nanatili parin sa pagbasa ng lumang tipan. Hindi ito nabuksan, dahil tanging si Cristo lamang ang nakagawa nito.