Romans 12:10
Patungkol sa pag-ibig ng mga kapatid, maging magiliw kayo sa isa't isa. Patungkol sa kapurihan, igalang ninyo ang isa't isa.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
Be kindly affectioned one to another with brotherly love; in honour preferring one another;
In Context
Cross References
Genesis 13:9Hindi ba nasa harap mo ang buong lupain? Humayo ka at ihiwalay mo ang iyong sarili sa akin. Kung pupunta ka sa kaliwa, pupunta naman ako sa kanan. O kung pupunta ka sa kanan, pupunta naman ako sa kaliwa.
Psalms 133:1Masdan niyo, napakabuti at kaaya-aya para sa mga kapatiran na sama-samang manatili ng may pagkakaisa!
Matthew 20:26Subalit hindi dapat mangyari ito sa inyo. Sa halip, ang sinumang nagnanais na maging dakila sa inyo ay dapat maging tagapaglingkod ninyo.
John 13:34Binibigyan ko kayo ng isang bagong kautusan, na dapat ninyong mahalin ang bawat isa, kung paano ko kayo minahal, gayundin naman dapat ninyong mahalin ang bawat isa.
John 17:21upang lahat sila ay maging isa, na gaya mo, Ama, ay nasa akin, at ako ay nasa iyo. Ipinapanalangin ko na sila rin ay magig isa sa atin upang ang mundo ay maniwala na isinugo mo ako.
Romans 13:7Bayaran ninyo ang lahat kung ano man ang inutang ninyo sa kanila: magbuwis sa dapat pagbayaran ng buwis, magbayad ng upa sa kung sinuman ang inuupahan; matakot sa nararapat katakutan; parangalan ang nararapat parangalan.