Romans 13:1
Ang bawat kaluluwa ay maging masunurin sa mga matataas na kapangyarihan, dahil walang kapangyarihan na hindi nanggagaling sa Diyos. At ang mga may kapangyarihang umiiral ay itinalaga ng Diyos.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 17:12Sinuman sa inyo ang nagmamayabang, sa hindi pakikinig sa pari na tumatayo para magsilbi sa harapan ni Yahweh na inyong Diyos, o sa hindi nakikinig sa hukom—ang taong iyon ay mamamatay; aalisin ninyo ang masama mula sa Israel.
1 Chronicles 28:4Ngunit si Yahweh na Diyos ng Israel, pinili niya ako sa lahat ng pamilya ng aking ama na maging hari sa Israel magpakailanman. Pinili niya ang tribo ni Juda bilang pinuno. Sa tribo ng Juda at sa sambahayan ng aking ama, sa lahat ng lalaking anak ng aking ama, ako ang pinili niya na maging hari sa buong Israel.
Proverbs 8:15Sa pamamagitan ko, ang mga hari ay naghahari—pati na taong mararangal, at lahat ng mga namumuno ng makatarungan.
Daniel 2:21Binabago niya ang mga panahon at mga kapanahunan; tinatanggal niya ang mga hari at inilalagay ang mga hari sa kanilang mga trono. Nagbibigay siya ng karunungan sa matalino at kaalaman sa mga mayroong pag-unawa.
Daniel 5:18Para sa iyo, hari, ang Kataas-taasang Diyos ang nagbigay ng kaharian kay Nebucadnezar na iyong ama nang may kadakilaan, karangalan at kapangyarihan.
John 19:11Sumagot si Jesus sa kaniya, “Wala kang kapangyarihan laban sa akin maliban kung ito ay ibinigay sa iyo mula sa itaas. Kaya ang taong nagdala sa akin sa iyo ay may mas malaking kasalanan.”