Zacarias 11:3
Humahagulgol ang mga pastol sapagkat nawasak na ang kanilang kaluwalhatian. Ang tinig ng batang leon ay umaatungal sapagkat ganap nang nawasak ang ipinagmamalaki ng Ilog Jordan!
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Psalms 22:21Iligtas mo ako mula sa bibig ng leon; iligtas mo ako mula sa mga sungay ng mababangis na toro.
Jeremiah 2:15Umaatungal ang mga batang leon laban sa kaniya. Nagsihiyawan sila at ginawang katakot-takot ang kaniyang lupain! Nawasak ang kaniyang mga lungsod ng walang sinuman ang naninirahan.
Jeremiah 7:4Huwag ninyong ipagkatiwala ang inyong mga sarili sa mga mapanlinlang na salita at sabihin, “Templo ni Yahweh! Templo ni Yahweh! Templo ni Yahweh!”
Jeremiah 25:34Tumangis kayo, mga pastol, at sumigaw para humingi ng tulong! Gumulong sa lupa, kayo na mga kamahalan sa mga kawan. Sapagkat ang inyong mga araw ay kakatayin at ang paghihiwalay ay darating. Babagsak kayong gaya ng mga piniling tupang lalaki.
Jeremiah 26:6kaya gagawin ko ang tahanang ito na tulad ng Shilo. Gagawin kong isinumpa ang lungsod na ito sa paningin ng lahat ng mga bansa sa lupa.'”
Jeremiah 50:44Tingnan ninyo! Aakyat siya na parang isang leon sa kaitaasan ng Jordan patungo sa lugar ng kanilang pastulan sapagkat agad ko silang itataboy mula rito at ako ang magtatalaga kung sino ang mapipiling mamamahala rito. Sapagkat sino ang katulad ko at sino ang magpapatawag sa akin? Sinong pastol ang lalaban sa akin?