Zacarias 11:4
Ito ang sinabi ni Yahweh na aking Diyos: “Katulad ng isang pastol na nagbabantay sa mga kawan na nakatalaga para katayin.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
Thus saith the LORD my God; Feed the flock of the slaughter;
In Context
Cross References
Isaiah 40:9Umakyat ka sa mataas na bundok Sion, tagapagdala ng mabuting balita; buong lakas mong itaas ang iyong tinig, ipahayag mo sa Jerusalem ang mga mabuting balita. Sumigaw ka nang malakas; huwag kang matakot. Sasabihin mo sa mga lungsod ng Juda, “Narito ang inyong Diyos!”
Ezekiel 34:23Hihirang ako ng isang pastol sa kanila, at siya ang magpapastol sa kanila— ang aking lingkod na si David! Siya ang magpapastol sa kanila; siya ang magiging pastol sa kanila!
Zechariah 11:7Kaya ako ang naging pastol ng mga kawan na itinalaga upang katayin, para sa mga nagbebenta ng tupa. Kumuha ako ng dalawang tungkod; ang isang tungkod ay tinawag kong “Kagandahang loob” at ang isa ay tinawag kong “Pagkakaisa.” Sa ganitong paraan ko ipapastol ang mga kawan.
Matthew 15:24Subalit sumagot si Jesus at sinabi, “Hindi ako sinugo sa kaninuman maliban sa mga tupang naliligaw sa tahanan ng Israel.”
Luke 19:41Nang palapit na si Jesus sa lungsod, iniyakan niya ito,
John 21:15Pagkatapos nilang mag-agahan, sinabi ni Jesus kay Simon Pedro, “Simon anak ni Juan, mas mahal mo ba ako kaysa sa mga ito?” Sinabi ni Pedro sa kaniya, “Oo, Panginoon; alam mo na mahal kita.” Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Pakainin mo ang aking mga tupang bata.”