Zacarias 12:6
Sa araw na iyon, gagawin kong parang paglutuan sa gitna ng panggatong ang mga pinuno ng Juda at parang umaapoy na sulo sa gitna ng mga nakatayong ginapas na mga trigo, sapagkat tutupukin nila ang lahat ng mga taong nakapalibot sa kanilang kanan at sa kanilang kaliwa. Muling mamumuhay ang Jerusalem sa kanilang sariling lugar. “
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Psalms 149:6Nawa mamutawi sa kanilang mga bibig ang mga papuri para sa Diyos at sa kanilang kamay, isang espadang may magkabilang-talim,
Isaiah 10:16Kaya magpapadala ng pagkagutom ang Panginoong Yahweh ng mga hukbo sa kaniyang mga magigiting na mandirigma, at sa silong ng kaniyang kaluwalhatian ay may nagniningas na apoy.
Isaiah 54:3Dahil lalaganap kayo sa kanang kamay at sa kaliwa, at lulupigin ng inyong mga kaapu-apuhan ang mga bansa at muling maninirahan sa pinabayaang mga lungsod.
Jeremiah 31:38Tingnan mo, paparating na ang mga araw—kapag muling itatayo ang lungsod para sa akin, mula sa Tore ng Hananel hanggang sa Sulok ng Tarangkahan. Ito ang pahayag ni Yahweh.
Daniel 2:34Tumingala ka, at natibag ang isang bato, bagaman hindi sa pamamagitan ng mga kamay ng tao, at tumama ito sa bakal at putik na paa ng imahen at nabasag nila ito.
Obadiah 1:18Magiging isang apoy ang sambahayan ni Jacob, at isang liyab ang sambahayan ni Jose, at ang magiging pinaggapasan ang sambahayan ni Esau, at susunugin nila sila, at sila ay tutupukin. Walang makaliligtas sa sambahayan ni Esau, sapagkat sinabi ito ni Yahweh.