Zechariah 2:12
Sapagkat mamanahin ni Yahweh ang Juda bilang kaniyang nararapat na pag-aari sa banal na lupain at muling pipiliin ang Jerusalem para sa kaniyang sarili.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
And the LORD shall inherit Judah his portion in the holy land, and shall choose Jerusalem again.
In Context
Cross References
Deuteronomy 32:9Dahil ang bahagi ni Yahweh ay ang kaniyang mga tao; si Jacob ang kaniyang bahaging mana.
Esther 6:13Sinabi ni Haman kay Zeres na kanyang asawa at sa lahat niyang mga kaibigan ang lahat ng bagay na nangyari sa kanya. Pagkatapos sinabi sa kanya ng kanyang mga kalalakihang kilala sa kanilang karunungan, at Zeres na kanyang asawa, “Kapag si Mordecai, ang tao na siyang nagsimula kang bumagsak, ay Judio, hindi mo siya matatalo, ngunit ikaw ay tiyak na babagsak sa harap niya.
Psalms 82:8Bumangon, O Diyos, hatulan mo ang daigdig, dahil mamanahin mo ang lahat ng mga bansa.
Psalms 135:4Dahil pinili ni Yahweh si Jacob para sa kaniyang sarili, ang Israel bilang kaniyang pag-aari.
Isaiah 41:9ikaw na ibabalik ko mula sa dulo ng mundo, at siyang tinawag ko mula sa malalayong mga lugar, at sa aking sinabihan, “Ikaw ang aking lingkod;” pinili kita at hindi tinanggihan.
Jeremiah 30:16Kaya ang lahat ng umubos sa iyo ay mauubos at ang lahat ng iyong mga kaaway ay mabibihag. Sapagkat sa mga nagnakaw sa iyo ay mananakawan at sasamsamin ang lahat ng sumamsam sa iyo.