Zacarias 4:10
Sino ang humamak sa araw ng mga malililit na bagay? Magagalak ang mga taong ito at makikita ang pampantay na bato sa kamay ni Zerubabel. (Ang pitong lamparang ito ang mga mata ni Yahweh na naglilibot sa buong daigdig.)”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
2 Chronicles 16:9Sapagkat nagmamasid si Yahweh sa lahat ng dako ng mundo upang ipakita niya ang kaniyang kapangyarihan sa ngalan ng mga buong pusong nagtitiwala sa kaniya. Ngunit ikaw ay naging hangal sa mga bagay na ito. Mula ngayon, makakaranas ka ng digmaan.”
Nehemiah 4:2Sa harapan ng kaniyang mga kapatid at ng hukbo ng Samaria, sinabi niya, “Ano ang ginagawa ng mga mahihinang Judiong ito? Nais ba nilang maibalik sa dating kalagayan ang lungsod para sa kanila? Sila ba ay maghahandog ng mga alay? Matatapos ba nila ang trabaho sa isang araw? Nais ba nilang buhayin ang mga bato mula sa mga tumpok ng durog na bato pagkatapos itong masunog?
Psalms 33:14Mula sa lugar kung saan siya nananahan, siya ay tumingin sa lahat ng nananahan sa lupa.
Proverbs 15:3Ang mga mata ni Yahweh ay nasa lahat ng dako, patuloy na nagmamasid sa masama at mabuti.
Isaiah 66:14Makikita ninyo ito at masisiyahan ang inyong puso, at ang inyong mga buto ay uusbong gaya ng murang damo. Mahahayag ang kamay ni Yahweh sa kaniyang mga lingkod, pero magagalit siya sa kaniyang mga kaaway.
Hosea 6:3Kilalanin natin si Yahweh; sikapin nating makilala si Yahweh. Ang kaniyang paglabas ay tiyak na parang bukang-liwayway; darating siya sa atin tulad ng ambon, tulad ng ulan sa tagsibol na dumidilig ng lupain.”