Zacarias 6:8
Pagkatapos, tinawag niya ako, nagsalita at sinabi sa akin, “Tingnan mo ang mga papunta sa bansang hilaga, pahupain nila ang aking espiritu patungkol sa bansang hilaga.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
9Kaya dumating sa akin ang salita ni Yahweh at sinabi,
Cross References
Judges 8:3Ibinigay ng Diyos sa inyo ang tagumpay laban sa mga prinsipe ng Midian—Oreb at Zeeb! Ano ba ang aking napagtagumpayan na maikukupara sa inyo?” Ang kanilang galit laban sa kaniya ay humupa sa sinabi niya.
Ecclesiastes 10:4Kapag ang mga damdamin ng pinuno ay sumiklab laban sa iyo, huwag mong iwan ang gawain mo. Kayang patahimikin ng kahinahunan ang labis na galit.
Isaiah 18:3Lahat kayong nananahan sa mundo at lahat kayong namumuhay sa lupain, kapag may itinaas na panghudyat sa mga kabundukan, tingnan ninyo; at kapag hinipan ang trumpeta, pakinggan ninyo.
Isaiah 48:14Magtipon kayo, lahat kayo, at pakinggan; Sino sa inyo ang nagpahayag ng mga bagay na ito? Ang kakampi ni Yahweh ay tatapusin ang kaniyang layunin laban sa Babilonia. Gagawin niya ang kalooban ni Yahweh laban sa mga taga-Caldea.
Jeremiah 51:48Magdiriwang ang kalangitan at ang lupa, ang lahat ng nilalaman nito ay magagalak sa Babilonia. Sapagkat darating sa kaniya ang mga maninira mula sa hilaga—ito ang pahayag ni Yahweh.
Ezekiel 16:42Pagkatapos, pahuhupain ko ang aking poot laban sa iyo, mawawala ang galit ko sa iyo, sapagkat ako ay masisiyahan at hindi na ako magagalit.